Linggo, Oktubre 2, 2011

OH KAMAY



Taong mapagbigay
Lalong pinagpapala
Ngunit naghihirap
Yaong tikom ang kamay
Oh, kamay

Sarado ang kamay
Di marunong magbigay
Di rin makatatanggap
Pagkat di maibuka ang kamay
Oh, kamay

Sa buong puso magbigay
Gantimpala ang kasabay
Sukli ng kanilang gawa'y
Si Yahweh ang may bigay
Oh, kamay

Ang napilitan magbigay
Di maibibilang
Ang naghihintay ng kapalit
Siya'y walang makakamit
Oh, kamay

Isang gamit ng kamay ang pagbibigay
Walang kapalit na hinihintay
Walang sukling papantay
Sa ligayang dulot ng pagbibigay
Oh, kamay



ni grace joy madronio

2 komento:

  1. maganda ang sinasaad ng tula ... natumbok ang labanan ng uri. kaya lang hindi masyadong napili ang mga salita ... nagpaulit-ulit kasi.

    TumugonBurahin