Ang ating lipunan ay mapanuri't mapanghusga. Hindi lamang ang panlabas na kaanyuan ang tinitignan. Kundi pati an rin ang mga nakamit ng isang indibidwal. Edukasyon nga ba ang mahalaga? O ang kakayahan ng isang taong madiskarte't mapamaraan?
Educational attainment,transcript of records,at ang unibersidad kung saan ka nagtapos--isa sa mga unang tinitignan sa isang tao. Mas maganda raw ang buhay. Mas malaki ang tiyansang maayos ang kaging trabaho ng mga taong nakapagtapos ng pag-aaral. Mas may patutunguhan raw ang kanilang buhay.
Marahil ay oo,mas malaki ang posibilidad na maging mganda ang estado sa buhay ng isang edukadong nilalang. Pero paano naman ang mga grumadweyt nga ay tamad naman o walang kakayahan? May mga nagtapos din namang ilang taon nang walang trabaho. Nasaan ang magandang kinabukasang sinasabi nila? Hindi lahat ay nabibiyayaan.
Kung gayon,bakit may isang Manny Pacquiao? Na ngayo't sikat na sikat at napakayaman na. Isang halimbawa ng isang taong hindi man nakapagtapos ay naging matagumpay naman sa buhay. S akabila ng mga dagok na kanyang naranasan,diskarte't pagiging mapamaraan lamang ang kanyang naging puhunan. Salungat sa nga iniisip ng nakararami na walang makakamit ang mga hindi nakapag-aral.
Marahil,hindi naman talaga magandang grado ang sukatan ng kaunlaran. Bagkos,diskarte't mapamaraan ang kailangan. Ngunit parehong importante,sapagkat mahalaga ang edukasyon at kakayahan. Pahalagahan ang dalawang katangian. Pagpili sa tamang karere pa rin ang daan patungo sa tagumpay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento