Oligarkiya ng mundo, laban sa Politika ng mahihirap at anak ng Demokrasya. (Tumutugon sa Pampolitika)
ni Jimson Buenaobra
Isang magandang Araw sa inyong lahat!
Ang bansang Pilipinas ng mga Pilipino ay nasa anyong demokratiko, kadalasan nga na ang salitang mas malapit ikabit sa salitang demokrasya ay ang salitang “Malaya”.
Ngunit isa itong kasinungalingan! kahit kaila’y hindi Malaya ang sikmurang gutom. Nagiging Mendiola ang sikmura ng taong gutom at nais magprotesta para sa kanilang isasaing, para lamnan o itawid sa gutom ang kanilang pamilya o sarili.
Ang Pilipinas, gayun narin sa buong mundo ay hindi iba-iba ang pampolitikong uri, nag iisa lamang ito at ito ang Oligarkiya. Mga kababayan,ang Oligarkiya ay isang pamahalaang ang mayayaman lang ang nagtatamasa ng lahat ng luho at kapakinabangan ng bansa samantalang ang mga mahirap ay patuloy na nalulubog sa lupa at namamatay bilang isang mahirap, at kasalanan ang mamatay ng mahirap.
Katulad nyo ay nais ko ring mabago ang inuuod na politika ng bansa, ang mayayaman ay patuloy na yumayaman dahil sa kanilang kasuwapangan sa biyaya ng kalikasan. at ang demokrasya ay patuloy na natutuyo sa mata ng marami.
Maraming salamat sa inyong lahat!
Mabuhay tayong mga Pilipino!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento