Lakas at talino ang labanan. Mas nakahihigit nga kaya tayong mga kabataan? Ang mga may malalakas na pangangatawan at matatalas na isipan. O ang mga beterano sa buhay? Sila na marami nang karanasan at napagdaanan.
Tayong mga kabataan raw ang pag-asa ng ating bayan. Tayo raw ang mga susunod na lider at mamumuno ng ating pamahalaan. May magandang kinabukasan ang sa ati'y nag-aabang kung pagbubutihan at magpupursigi lang tayo sa ating napiling karera. Ganun pa man ay may kahinaan ding taglay--mga tuksong sa paligid ay hindi maiwasan. Pero kung iwawaksi natin ito at ang pipiliin ay ang tamang daan,siguradong kinabukasan nati'y malinaw pa rin.
Ang mga beterano naman ay magagalng at marami nang nalalaman. Ang mga karanasan nila sa buhay ang humubog at nagpatibay sa kanila. Papunta pa lamang tayo ay pabalik na sila. Naranasan na daw nila halos lahat. Subalit may kahinaan din naman sila--rumurupok na katawan at katandaan.
Parehas magaling at may talinong taglay. Ang isa'y papunta pa lang upang matuto,ang isa'y pabalik na mula sa mga karanasan. Pareho ring may kahinaang taglay ang dalawa. Sino nga kaya ang mas nakahhigit? Kayo na lamang ang humusga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento