Sabado, Oktubre 8, 2011

Pag-aralan mo Kaibigan ni: Kathlyn Sauro (Tula)

Pag-aaral o barkada,
Alin sa dalawa?
Pag-aaral o barkada,
Saan ka ba talaga?

Pag-aaral ay kailangan.
Barkada’y hindi maiiwasan.
Alin ba sa dalawa
Ang tunay mong kailangan?

Pag-aaral ay tunay na mahirap,
Yan ang lagging nasa isip.
Sa barkada’y laging masaya
Lalo na sa araw ng gimik.

Pag-aaral dulot ay kaalaman.
Barkada, hatid ay karanasan.
Sa pag-aaral mo natutunang sumulat at bumasa.
Sa barkada mo naranasang mag-cutting at maglakwatsa.

Sa pag-aaral, hawak mo lagi ay bolpen at papel.
Sa barkada, di mo mabitawan ang bote ni san Miguel.
Sa pag-aaral laging may proyekto at takda.
Sa barkada lagging may pulutan at chika.

Sa pag-aaral, minsan nagagalit sayo si ma’am
dahil wala kang takda o lagi kang lumiliban.
Sa barkada, lagi kang welcome
Kahit pa minsa’y wala kang pang-ambag sa inuman.

Sa pag-aaral minsan nasasabon ka ng yong ama at ina
Kapag mababa ka sa exam at bagsak ang iyong marka.
Sa barkada, ika’y kanilang maiintindihan
Dahil hindi pamantayan ang utak sa tunay na pagkakaibigan.

Ang pag-aaral, kapag di mo naipasa
Tiyak mapag-iiwanan ka.
Ang barkada, kahit may singko ka
Lalo kung totoo sila, di ka iiwan sa oras ng problema.

Ang pag-aaral ay susi ng iyong mga pangarap.
Sa landas na matuwid at sa magandang hinaharap.
Ang barkada ay karamay mo sa lahat ng sandali
Tanggap ka, ikaw man ay tama o mali.
Nag-aral ka sa paaralan  
doon mo nahanap ang tunay mong mga kaibigan.
Naging kabarkada mo
Na nagturo sayo ng reyalidad sa mundo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento