Parehong edukasyon ang nasasakupan ng dalawang kuponan ngunit pilit na kinukumpara... buhay sa high school at buhay sa kolehiyo. Ipinaghahalintulad kung saan mas nakaaangat.ang buhay ba sa High school o sa Kolehiyo?
Buhay sa High School:
Dito tayo nabubunyag sa iba’t ibang pagbabago. Sinasabing nagiging independent ang isang estudyante kapag nasa hayskul ngunit hindi ako sumasang ayon sa palagay na ito. Sa tingin ko, dito sa hayskul ay nagiging “conscious” lamang tayo dahil sa iba’t ibang pagbabago sa kanyang kapaligiran.
Sa unang araw ng klase. Excited pumasok. Ito ang unang pagkakataong magkakilala ang klase. Narito ang mga kwela at mga nakakahiyang mga “get-to-know-you activities.” Dito rin nangyayari ang botohan kung sino ang mga magiging opisyales ng klase. Naaalala ko na kapag dumating na sa botohan ng muse at escort, dito lang naghihiyawan at nag-iingay ang klase. Naalala ko laging nananalo ang maganda para sa muse, pero pagdating sa escort, okay lang naman.
Sa loob ng isang silid may iba’t ibang klaseng mga tao tulad nito;
Abserul - mga bulakbol, mga tinatamad pumasok, gumagawa pa ng excuse letter pamatong. Nerds – Sila yung mga top ng klase, libro lang ang kaibigan (aanhin ang libro kung top 1 ang katabi mo). Kopyarul. Sila yung mga tinatamad magaral, sa katabi lang umaasa, sila yung mga may malilinaw ang paningin sa klase. Crush-ng-bayan –Mga gwapo at magaganda na palakaibigan na may posisyon sa isang samahan kung saan sila magaling. Student government, atleta, singer, dancer o kung ano pa. Lovebirds – sila yung araw-araw magkasama lalo na pagbreak time at uwian. Laging binubuhat ni boy ang gamit ni girl pag uwian tapos nagbibigayan pa ng regalo pag monthsary. Joker – Hindi na nagsisikap para magbiro, buhay na nila yun. KSP – mga naghahanap ng atensyon sa klase. Vain (babae) – laging nakafoundation at pulbo sabay tanong... “pantay ba?”. Super ayos ng buhok at mabango. Laging hawak ang selfon na de kamera para kunan ang mga sarili kung wala ang guro. Vain (lalaki) – Galawin niyo na ang lahat sa kanila, huwag lang ang kanilang buhok. Lagi ring may dalang selfon de kamera at hair wax. Beki – Mga lalaki na mahilig sa kapwa lalaki.
Sa high school, simple lang ang buhay. Alis sa bahay, patungong paaralan (yun ay kung hindi madedemonyo ng mga katingera at katingero), bati ng “magandang araw po, Mabuhay!”,pagnahuli sa klase parusa ang katapat o kaya “face the wall”. Walang ginawa kundi magsulat, tsikahan sa klasmeyt...pagnahuli ng naglilista ng noisy magrereklamo... (may sinabi lang daw kahit hindi). Yung iba nagbabasa ng pocket book ng patago, habang may klase nagteteks... pagnahuli...kumpiskado, “bring mother” pa makuha lang. Minsan magrerenta ng nanay o kaya pekeng pirma para sa excuse letter. Pag walang takdang aralin kopyahan... kung ang papel at sulat ay maayos- maaga nakakopya, kung ang sulat ay tila kanahig ng manok- nagmamadali kumopya, kung kulang-kulang sa letra (nakopya pa pati pangalan ng pinagkopyahan- huli kumopya at kung ang papel ay punit-punit, gusot at my mga bakat- orihinal na kopya.
Sinasabing ang high school ay ang pinakamasayang lebel sa pag-aaral. Hindi matatawarang karanasan at pagsasamahan. Dito natin mararanasan, matuto at the same time magmahal, dito nagkakaroon ng problema sa paaralan, madalas ipatawag ang magulang kung ikaw yung tipog basag-ulo, o kaya warfreak na babae. Dito nararanasan manligaw ng isang lalake sa isang babae, dito ang masasabing adventure at masayang parte ng buhay mo, parang wala kang pinoproblema kapag nasa highschool ka, kundi ang mga grades na sana ay lagpas 75, dito magsisimula kang maging president ng isang klase, president na masasabi nating malaki ang gagampanan dahil sa laki ng klase na didisiplinahin mo.
Bonding moments. Ito ang oras kung saan ang klase ay nagtitipon sa kanilang paboriting tambayan at nagkuwekuwentuhan tungkol sa mga bagay bagay, mga problema at sa mga nangyayari sa buhay nila. Ito rin ay kung saan nagiging kumpleto ang klase lalo na kung may “picture taking.”
JS Prom. Isa sa mga sosyal na palatuntunan ng paaralan. Dito nabibigyan ng pagkakataong makipagsalamuha ang ikatlong taon na magaaral sa ikaapat na taon at gayon din para sa ikaapat na taon. Ito rin ang pagkakataon na makakasuot ka ng maganda at pormal na kasuotan. Ito rin ang oras na makakasayaw mo crush mo.
Graduation Day. Magkahalong lungkot at saya ang araw na ito. Masaya dahil sa wakas magtatapos na rin at malungkot dahil mahihiwalay na ang mga tunay mong mga kaibigan, barkada, tropa at mga kaklase.
Tumungo tayo sa buhay kolehiyo:
May sasarap pa ba sa buhay ng college? Maaaring sa dalawang unang taon oo, pero sa ikatatlo at ikaapat siguro nateng abf baka malimutan na naten ang social life naten, hindi naman sa sinasabi kong hell ang college life, pero kailangan natin ito para makuha ang diploma at ang mga pangarap natin sa buhay, dito tayo biglang mag mamature ng hindi natin nalalaman, matututo tayong magpuyat dahil sa mga deadline na projects sa mga minor subjects, matututo kang manira ng professor kapag terror, matututo kang humabol sa prof na para bang isang marathon para lang maging tres ang grade mo.
Maganda dito my kalayaan. Saka mas malalaman mo talaga ang mga tunay mong kaibigan dahil sa gitna ng kagipitan sa thesis mas mailalabas nyo talaga kung sino kayo. yung mga emo na kaklase mo nung hs ngayon mas eksperyensado na.
Hindi mo na kailangang pumasok lagi. Ok ‘di ba? Hindi din. Mahirap na lalo kung major subjects.
Kailangang mag-manage ng oras. Sa high school, sasabihin lang ng titser mo pahina bilang 28-34 para sa klase bukas. Ngunit sa kolehiyo silabus ang sandigan para alam mo ang pagkakasunod-sunod ng leksyon.
Kailangang magsunog talaga ng kilay. Lalo na kung terror ang titser.
Mas mahirap magtala pag nasa klase. Sa high school... magbibigay si titser ng mga “hints” kung ano ang pwedeng lumabas sa eksam. Dito, responsibilidad mo magtala ng detalye.
Walang plus factor para sa effort. Hindi katulad ng hs kahit walang kabuluhan ang gawa basta todo effort sa disenyo my dagdag. Sa kolehiyo,ang mahalaga makapagpasa.
Identifications at enumeration ang eksam hindi na multiple choices.
Kailangan mong seryosohin ang pag-aaral sa kolehiyo. Haluan na lang ng tawa at bonding ng klasmeyt para hindi masyadong stress. Dapat balance ang pagtratrabaho sa paglalaro. Sa kabuuan... DAPAT SERYOSO SA PAG-AARAL.
Bilang konklusyon ko, ang high school ay ang lugar kung saan may kasiyahan na may halong lekson sa bawat pagkakamali, nahuhubog ang ating mga katauhan samantalang ang kolehiyoay ang lugar kung saan natututo tayo maging responsible sa bawat desisyon. Ang pag-aaral sa dalawa ay parehong mahalagang paaglalakbay sa ating buhay, ngunit ang sitwasyon ay parang sumali ng isang package tour. Anuman ang gawin natin ay nakasaayos ayon sa mga “tour guides” at skedyuls. Sa kabilang dako, ang paglalakbay na ito ay parang isang pang-indibidwal na paglalakbay. Hawak natin ang desisyon kung saan tayo tutungo at ano ang gusto nating gawin.
Nice
TumugonBurahin