BY : CHRISTELLE JOY MALIJAN
Sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan, makikilala naten ang dalawang uri ng mag-aaral. Ang tamad at masipag na mag-aaral. Ako bilang tamad at siya bilang masipag.
Bago pa man magsimula ang klase, abala na siya sa pag-aasikaso ng mga kailangang pag-aralan at ihanda para sa nakatakdang aralin samantalang ako’y heto’t todo pa rin ang pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan na akala mo’y handang-handa na at alam na ang nakatakdang aralin. Habang siya’y nagtatanong-tanong sa mga kamag-aral ng mga dapat gawin, heto ako’t hawak ang cellphone at sige ang pagtetext na tila kampanteng kampate.
Pumatak na ang ala-una-i-medya sa orasan at wala pa rin ang guro. Unti-unti ng gumagana ang isip ko. Isip ng tamad na mag-aaral. Iniisip nab aka hindi na dumating pa an gaming guro. Na baka wala kameng klase. At dahil doon ay maaga akong makakauwi o makakagala. Napakalayo sa isip ng masipag na mag-aaral. Habang ako’y tamad na tamad na, siya nama’y patuloy na nagbabasa. Patuloy sa pag-iisip na sanay dumating na an gaming guro nang sa gayo’y hindi masayang ang kanyang paghahanda sa nakatakdang aralin. Maya-maya pa’y dumating na an gaming guro. Nakatahimik ang buong klase. Sabay bati sa dumating na guro. Umpisa na ang pag-uulat at talakayan. Masuwerteng maituturing kung magaling at masigla ang mag-uulat nang sa gayo’y hindi mabiring ang klase ngunit tila hindi umayon ang kapalaran at nagging boring ang talakayan.
Lahat ng mata’y nakatutok sa harapan. Tila ang lahat ay seryoso’t nakikinig sa bawat detalyeng tinatalakay ng guro at nag-uulat. Habang siya na masipag ay todo ang pakikinig, bawat mahalagang detalye ay isinusulat, heto ako na tamad, akala mo’y nakikinig at nagsusulat, yun pala’y lumilipad ang isip at sige ang sulat ng kung anu-ano lettering dito, drawing doon. Nakatutok nga sa nag-uulat ngunit di naman iniintindi ang sinasabi.
Ilang minuto at oras pa ang nakalipas, tila ang lahat ay bumigay na. silid-aralang nakakabingi ang katahimikan, sabayan ng masarap at malamig na hangin mula sa labas, sino ba naman ang hindi aantukin? Maging ang mga masisipag na mag-aaral ay unti-unti ng nasasakop ng presensya ng katamaran. Tila ang lahat ay gusto lamang matulog at magpahinga sa loob ng silid-aralan.
Dahil sa boring na klase, marami akong na iisip na mga bagay-bagay. Minsan naiisip ko kung bakit naging ganito ako katamad. Samantalang dati ay masipag at nasa top 10 pa ng klase. Bigla kong maiisip na marahil dahil ito sa hindi ko pa rin tanggap ang aming kurso. Hindi ito ang pinangarap kong pag-aralan at matutunan. Minsan naiisip ko na bakit kailangan kong matutunan ang mga ito. Kung makatutulong ba ito sa akin balang araw.
Para sa akin, paano ako gaganahang mag-aral sa kursong hindi ko naman gusto? Kagaya ng kaisipang paano ka sisipagin sa bagay na ayaw mong gawin? At dahil sa pag-iisip ng mga bagay na iyan, doon ko naisip ang inilamang ng mga masisipag kong kamag-aral. Masipag sila dahil marahil ay tinaggap na nila ang aming kurso. Marahil ay mahal na nila ang aming kurso kaya naman sila’y patuloy na nagsisikap para mas lumalim pa ang kaalaman sa kurso.
Dito ko maiisip na hindi naman ganun kalaki ang lamang ng mga masisipag sa aming mga tamad na mag-aaral. Tamad lang kami ngunit hindi kami bobo. Minsan naiisip ko na parehas lang naman ang masisipag at mga tamad na mag-aaral sa loob ng klase. Pare-parehas lang naman kaming nakakasagot sa mga exams, pare-parehas lang kaming nakakapag-ulat ng maayos at pare-parehas lang kaming nakakapasa. Minsan pa nga’y kung sino pa ang masipag ay sila pa ang nagkakaproblema sa klase. Dahil sa masipag sila, mas malaking expectation ang kailangan nilang pagsikapan ngunit ganung kalaking panghihinayang din ang kanilang nararamdaman sa tuwing sila’y hindi napagtatagumpayan. Yung tipong sa kabila ng pagrereview, ay hindi pa rin mataas ang nakuhang score, nakakapanghinayang talaga. Samantalang ang mga tamad, na nag-aaral lang kapag may exam, hindi ganun kalaki ang expectation at hindi rin ganun kalaki ang panghihinayang. Kung mababa man sa exam, tanggap ko dahil tamad nga ako mag-aral ngunit kung mataas, edi mas masaya.
Para sa akin, tamad ka man o masipag, ang mahalaga nag-aaral ka. Tamad ka man o masipag, ang mahalaga may natutunan ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento