"Pag-ibig,pag pumasok sa puso nino man,gagawin ang lahat masunod ka lamang."
Sinasabing ang pag-ibig ay isa sa mga pinaka-makapangyarihang bagay sa mundo. Kapag ang isang nilalang ay nasobrahan sa pagmamahal,halos nagiging hangal na. Kapag nasawi naman,halos kit'lin ang sariling buhay.Ika nga nila, "Love makes the world go round". Kung ganun,bakit may mga hindi naniniwala rito?
May ilan na hindi naniniwala o hindi na naniniwala sa pag-ibig. Una,dahil hindi pa nila naranasang magmahal--mga pusong natatakot na baka masaktan. Ikalawa,may mga hindi magagandang karanasan sa pag-ibig--maaring iniwang ng dating sinisinta. At pangatlo,ang mga umibig na nasawi't nabigo kaya isinumpang hindi magmamahal muli. Mayroon din namang ilan na walang pakialam--marahil ay sanay na mag-isa.
Mayroon din namang mga taong tila "naadik" na sa pag-ibig. Maaring,nasaktan ng dating iniibig kaya't humahanap ng pagkalinga muli sa ibang tao. O kaya naman ay nasanay na sa apeksyon at atensyon na dala ng pag-ibig. Ang iba'y nakikiuso lamang para masabing may kasintahan. At ang iba ang nanloloko lamang,huwad na pag-ibig ang ipinapakita.
Noong una ako'y isa sa mga hindi naniniwala sa pag-ibig. Sumbungan kasi ako at tagapayo ng mga kaibigang nasawi o nabigo,kaya siguro ako natakot. Ngunit ngayong alam ko na ang pakiramdam ng nagmamahal,ang sarap pala sa pakiramdam. Hindi man sa lahat ng pagkakataon ay masaya dahil kung minsan ay mayroon ding mga problema. Hatid pa rin nito sa aki'y inspirasyon at ligaya. Ikaw,naniniwala ka ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento