Labanan ng uri? Bakit nga ba may labanan ng uri? Ito ang mga tanong na nais kong masagot sa pagtalakay ko sa isyu ng labanan ng uri sa seminar na ito. Ngayong araw ay nais kong kayo ay making sa aking pagtalakay sa makabuluhang paksa na umaakma sa panahon natin ngayon.
Bakit ba nagkakaroon ng labanan? Sa aking pagkakaalam ang labanan ay ang pwersang nagbubuhat sa magkabilang panig upang magpalakasan at magsukatan ng kakayahan. Nagkakaroon ng labanan dahil hilig nating tingnan ang ating sarili na mas mababa kaysa iba o di kaya’y mas mataas kaysa sa kanila. Walang pantay sa mundo. Yan ang kaisipang nabuo sa atin kaya’t nagkaroon ng labanan. Halimbawa na lamang sa mga mahihirap at mayayaman. Kadalasan na ang mga mahihirap ay nanliliit sa t’wing nakahaharap ng mayaman. Bakit? Sapagkat tinitingnan nila ang kanilang mga sarili na mababang uri kaysa sa mga mayayaman. Sa pananamit pa lamang, halatang branded at mga mahahalin ang kasuotan ng mga mayayaman. Sa bagay kung ako naman ay mayaman at may kakayahang bumili ng magagarang damit ay bakit hindi?. Samantalang ang mahihirap ay hindi mo mapagsino ang may gawa ng kanilang mga damit, kung hindi kasi sa bangketa ay sa ukay-ukay binili ang mga ito.
Sa aking nabasang libro may isang tagpo roon na nais kong ibahagi. Kasalukuyang bumibili ang isang mayamang binata sa isang palengke. Kumuha siya ng ilang pirasong kamatis at iniabot ang buong limandaang piso sa tindera. Nang sabihin ng tindera na wala siyang panukli sa pera nito ay magalang na sinabi ng mayamang binata na huwag na lamang siyang suklian. Imbes na matuwa ang tindera ay nagalit pa ito sa binata at sinabing “hindi porke’t mayaman ka ay maaari mo na kaming maliiting mahihirap”. Nadismaya ang mayamang binata at nalungkot. Sa isip-isip niya “ganun ba talaga ang mahihirap? Iniisip nila laging minamaliit naming silang mayayaman? Paano kung wala naman talaga akong barya at gusto ko lang makatulong sa kanya?”.
Ganito tayong mga tao. Matataas ang mga pride! Kung minsan ay hindi na natin alam kung ano ang tama sa mali dahil nauunahan tayo ng napakatayog nating pride! At ang pride ang isa sa dahilan kung bakit may tinatawag na labanang uri. Nang dahil sa pride ay iniisip mong hindi mo kapantay ang taong iyong nakakasalamuha na kung minsan ay iniisip mong minamaliit ka niya at pinagsisimulan ng away! At dahil sa isang senaryong sumubok sa iyong matayog na pride, minarkahan mo ng kaaway ang taong iyong nakilala.
Kung minsan ay inggit din ang nagiging mitsa ng pagkakaroon ng labanang uri. Totoong hindi mo maaaring makuha ang lahat ng magagandang bagay o katangian ditto sa mundo. Kung ano ang sa tingin mong wala sa iyo na nasa ibang tao ay pinagsisimulan ng inggit. Halimbawa ay ang pagkaklasipika mo sa iyong sarili na pangit at maganda sa kanya. At dahil sa inggit, iniisip mong pinagkaitan ka dahil siya ang nagging maganda at hindi ikaw. Dahilan pa kung minsan ng paninira mo sa ibang tao.
Ang mga tao mismo ang may gawa ng paglalabanan. Dahil sa hindi pagiging kuntento sa kung ano ang mayroon tayo at sa matatayog nating pride nagkaroon ng labanan ng uri. Lahat ng tao ay mahalaga, kumbaga sa puno ng buko, wala kang itatapon dahil bawat parte ay maari mong magamit. Walang tao ang nilikha na saling-pusa lamang. Hindi bilang pamparami ng populasyon o dekorasyon sa mundo. Lahat tayo ay binigyan ng misyon ng Diyos at sa tamang panahon ay kanya itong ibubulgar sa atin, kaya’t walang dahilan para maiinggit ka o awayin ang iba. Sa kabila ng labanang uri na umiiral, matutuhan sana nating pahalagahan ang ating mga sarili. Maraming salamat at nawa’y may natutuhan kayo sa aking mga ibinahagi.
ni:maria katrina camposano
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento