Lunes, Oktubre 3, 2011

KAIBIGAN

BY : CHRISTELLE JOY MALIJAN

Siya na kaibigan kong matalik
Kasama ko sa lahat ng gimik
Mga oras kay sarap ibalik
Mga araw na kapanapanabik
Pag-alis niya’y hindi ko matanggap
Di ko alam kung kaya magpanggap
Kaibiga’y di man lang nayakap
Makasama siya’y laging hanap
Ang pag-alis niya ng biglaan
Walang nagawa, di na napigilan
Pagbabalik niya’y di alam kung kalian
Pangako niya’y panghahawakan
Kailanma’y siya’y di ipagpapalit
Mga ala-alang walang kapalit
Kung sakaling hindi na maulit
Sa puso na lamang iuukit

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento