Yeso hindi Chalk, Basahan hindi Eraser!
(Sanaysay Pangklase: Ang karaniwang Hugpungan sa West Wing)
Ni Jimson Buenaobra
At katulad ng Lunes, Martes, Hwebes, Noong First year High school, Second Year, At kanina; Late akong pumasok.
Kinakabahan kung anong mangyayari sa loob ng klase. At dahil lucky day ko ang martes, sinwerte ako at wala ang First Subject, at dahil sa ganoong mga pangyayari nabuo ko ang ideya kung papaano ko bibigyang kulay ang class struggle.
Oo nga’t late ako sa klase, at katulad ng sinasabi ko, tumatambay ako sa West Wing kung saan makikita ang mga turistang hindi marunong managalog (mag-wikang Filipino) na para bang naiinggit sa ganda ng aming uniporme
.
Hindi ako galit sa kanila, nakakaasar lang kasi ang asta nila, parang pwede ng gawing bida sa takilya, kunsabagay hindi lang naman sila ang Globally Competetive eh, bakit kami? Hindi ba kami marunong mag ingles?
Minsan ko na silang nakasalamuha sa isang kumpetisyon, natalo ako pero hindi ko rito hinuhugot ang emosyon ko, ginagawa kasi nila kaming maliit sa paningin nila, lalo na kung tatambay kaming magbabarkada sa labas, rinig na rinig namin kung papaano kami ibaba ng mga “sobrang husay” na mga turista.
_____________________________________________________________________________
Spell abattoir.
Ey-bi-ey-ti-ti-ow-ay-ar.
______________________________________________________________________________
Anut-ano pa man, maswerte ako dahil AB Filipinolohiya ako, at bakit? Dahil Martes nga ang Lucky Day ko at Martes ako nag enroll sa PUP. At araw-araw nagiging Lucky Day ko sa tuwing may natutunan ako sa pagiging Filipino ko, sa twing nakikita ko ang mga kaklase ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento