Kumpara dito, kumpara doon, kumpara sa lahat ng pagkakataon!
Ang ilan sa mga kabataa’y nabubuhay sa ganitong sistema, bawat kilos nila sa mata ng mga matatanda ay hindi tama. Dahil sa hindi na tama ang ginagawa ng mga nasa kasalukuyang panahon, di daw tulad ng kaugalian nila noon.
Ang masusing panghaharana ng isang lalaki noon, pagi-igib ng tubig at pagsisisbak ng kahoy ay tila wala na. Konting bolahan nalang at dere-deretso na. Ni hindi na kailangan ng basbas ng mga magulang, pagkat wala pang isang araw ang itatagal ang panliligaw ng isang hirang.
Ito ang dinadahilan ng mga matatanda, kung bakit sa murang edad ay nagiging magulang na, mga mapupusok na kabataan na kinabukasan sa isipa’y wala na. Ang inaasahang sandigan ng bayan sa hinaharap ay wala ng kasiguraduhan, pagkat maagang nalamnan ang kaniyang sinapupunan. Hindi daw tulad noon, ni hindi maaaring magdikit ang babae’t lalaki, pagkat sila daw ay konserbatibo.
Ang mga nakakatanda nga ay tunay na pabalik na habang ang mga kabataan ay papunta pa lamang. Sila yaong mas nakaaalam ng tama. Kaya’y walang masama kung ating susundin ang kanilang mga payo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento