Parte ng problemang ito ay ang pagsasawalang kibo. Nangangamba ako sa katotohanang maraming kababaihan at kalalakihan na naapektohan ng problemang ito, subalit walang gustong makalutas.
Lahat ng hayop at insekto ay nagsisimula sa maliit. Ang pagiging mahina at lampa ay nagiging sanhi ng pagiging maliit. Ang tao ay ipinapanganak ng maiksi at maliit. Hindi isinisilang ng matangkad nang magtagal ay paliit. Maging sa anumang aspeto ay nagsisimula sa maliit bago maging malaki. ang punto’y huwag maliitin ang pagiging maliit.
Sa sports, trabaho, paaralan, patimpalak at maging sa pag-ibig at kung ano-ano pa, kontribersyal ang sukat. Hindi nakasulat o nakaukit man... ngunit hindi nawawala sa kahit anung bagay ang sukat. Bakit hindi pwedeng pantay-pantay na lang ang lahat? Kailangan pang may lumamang. Kasalanan mu bang maging maliit para hindi makapasa sa kahit anung patakaran?
Greater, better, superior... wika nga, nagpapatunay na ang pagiging maliit ay tila wala ng kalulugaran sa mundo. Mula pa noong unang panaho’y ang pagiging maliit ay tinutumbasan na din ng maliit na pagtingin o maging sa estado. At ang malalaki ay ang silang superior at tagapamahala sa lahat. Hindi binigyang-pansin ang mgamaliliit na bagay na maaaring maging sanhi din ng pag-unlad.
Maliit ma’y nakakapuwing din.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento