MAKULAY ANG BUHAY. Oo nga. Tunay na makulay ang ating buhay.
Bata pa lang ako problema ko na ang kulay. Hindi kulay na krayola ang tinutukoy ko dahil alam ko yun, problema ko ang kulay ng balat ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako namomroblema, o sadyang binibigyan lang nila ako ng dahilan para mamroblema. Pero hindi lang naman siguro ako ang apektado at namomroblema sa kulay ko.
Mapuputi o maiitim, madalas pag-awayan kung ano ba ang tunay na mas maganda, mas angat o mas sikat. Para sa iba, kapag maputi o mistisa ka, maganda ka. Lahat ng kulay ng damit ay bumabagay sa iyo, pero kung ikaw ay may kaitiman o morena, tiyak na mahihirapan kang pumili ng kulay ng damit na babagay sa iyo. Ngunit may ilan rin naman ang nagsasabing “black is beautiful”. Hindi ko alam kung totoo ba talaga ito o nang-uuto lang sila o di kaya’y masabi lang na may ganda ka tulad nila. E ba’t naman si Venus Raj? Patunay siya na ang mga maiitim ay may angkn ding kagandahan. Kumusta naman si Nita Negrita na wagas ang pagkaitim? Hindi ba’t siya’y inapi- api, inaasar at pinagkakaisahan dahil sa kanyang kulay. Bakit pag maitim ang tingin nila ay kakaiba? Hindi naman kami Allien. At ang laging senaryo sa mga teledrama, kung maitim ang bida ay lagging dukha, samantalang ang mga mapuputi ang mga mayayaman.
Kapag ikaw ay maputi, taglay mo na rind aw ang kakinisan ng balat, lagi kang amoy mabango kahit pa tagaktak na ang pawis mo. Pero kapag ang balat mo ay tulad ng tsokolate, kahit wala ka pang kagalos galos sa katawan ay hindi ka parin ganoon kakinis sa paningin ng iba, lagi kang parang isang dugyuting bata sa tuwing pagpapawisan ka. Jahe di ba? Hindi ba nila naiiisip na kung maganda ka lang dahil maputi ka, wala ka nang karir pag umitim ka. Samantalang ang mga magaganda kahit maiiitim, pag pumuti ay lalo pang gumaganda. Pero hindi ko naman sinasabi na lahat ng maiiitim ay binabagayan ng pagputi nila. May ilang mapuputi nga na nagpapa’tan pa o di kaya’y nagbibilad sa kahabaan ng bora para lamang maging morena.
Nasa tao rin kung kaya niyang dalhin ang sarili niya kahit ano pa ang kulay niya. Para sa akin, noon, inasam ko rin ang maging maputi ngunit naisip ko na astig ang pagiging morena, dahil ito ang tatak ng pagiging isang tunay na Pilipina. Ipagmalaki ko kung ano ang kulay mo dahil hindi basehan ang kulay sa tunay na kagandahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento