Sabado, Oktubre 8, 2011

Miliminas: Taong 0069 ni Nilo Par Pamonag (BUOD)









ANG MILIMINAS, isang pangkat ng kapuluan na matatagpuan sa kagitnnan ng dagat Pasipiko bago pa man magkaroon ng isang malawakang pagbaha ng tubig. Miliminas rin ang tawag sa mga taong naninirahan sa mga kapuluan nito. Kawangis din ng mga ordinaryong tao ngayon ang mga itsura ng mga Miliminas. Ang pagkahuli nila sa sibilisasyon ang nagdulot sa kanilang magkaroon ng naiibang pag-uugali at pamamaraan ng salita at wika. Mik ang tawag sa kanilang pera at kalimitang tinatawag ang taong mayroong isang milyong Mik o humigit pa rito ay mikinaryo.


SA PAMAMARAAN NG PAGBIHIS ay mayroon din silang sinusunod na batas, isa sa mga kinikilala nilang pormal na kasuotan ay para sa mga kababaihan ay katumbas ng mga bathing suit natin ngayon at kamiseta o korto para sa mga kalalakihan.


ANG MGA KAKAIBANG BATAS NG MGA MILIMINAS ay ang mga sumusunod: Sa pamamaraan ng pagbibihis, hindi dapat mahaba ang kanilang mga damit. Sa pagsakay sa isang pampublikong sasakyan ipinapatupad dito ang Equality before the kilo na kung saan kung gaanong kabigat ang isang mamamayan ay ganito rin ang kaniyang ibabayad. Sa pamamaneho, bawal ang hindi nag o-over-speeding o ang hindi pagpapatakbo ng sasakyan ng matulin.


SA PAGBIBIGAY NAMAN NG SERBISYO SA MGA MAMAMAYAN, kalimitang nahahati ito sa tatlong pangkat: ang mayayaman, ang mga may kaya sa buhay at ang mahihirap. Sa pabibigay ng tubig ng Nawasdak may tatlong uri ng tubo, ang nilalabasan ng malinis na tubig, ang may maruming tubig at ang walang tubig. Habang sa kuryente naman na ibinibigay ng Palay Electric Company na kung san nahahati rin ang serbisyo sa tatlong uri. Una, ang light service na napapakinabangan lamang ng mga may pribilehiyo sa pamayanan, ikalawa, ang brown-out service na kung saan nagagamit lamang ito kung hindi kinakailangan at pangatlo ang black out service na may disenyo lamang ang mga kagamitan sapagkat hindi ito nagagamit.


SAMAKATUWID, KARAMIHAN SA KANILANG MGA BATAS ay kabalintunaan ng mga batas natin sa ngayon tulad ng pagbabawal sa paggamit ng mga genuine o tunay na produkto, ang lisensyadong baril ay ipinagbabawal, ang pagbebenta ng mga bazaar na iligal kaysa sa mga sidewalk na umuuukopa sa mga kuwarto-kuwarto.


SA PULITIKA NAMAN NOONG SA PANAHONG IYON, uso rin ang tinatawag na kickback na kung saan ang mga buwaya ng bansa ay sinisipa sa likod para sa bawat suhol na kanilang matatanggap at pinararangalan ang sinumang makapal na ang likod dahil sa mga sipang natanggap nito. Ang batasan nilang kilala sa tawag na Circus of Miliminas na kung saan nahahati ang batas para sa mga mayayaman at mahihirap. Ang mga malalaking transaksyon ng Miliminas ay kalimitan ring ginagawa sa ilalim ng puno – ang shady transaction. Isa pa rito ang matataas na mesa ng mga opisyal na kung saan ginagawa ang under the table tansactions upang hindi mauntog ang mga dumaraan dito. At marami pang iba.


RELIHIYOSO RIN NAMAN ANG MGA MILIMINAS, na kung saan ay may kinikilala silang tatlong panginoon – ang pera nilang mik, ang buwaya at si Santasa na maihahalintulad natin kay Satanas nagyon.


SA PAGKAKAROON NG ELEKSYON hindi natatakot ang sinuman na mamatay o pumatay. Sa katunayan ang sinumang may mas maraming napatay ay ang siyang nananalo rito. Tuwing ikalawang taon ginaganap ang eleksyon dito sa Miliminas, kung gayon ay mabilis maubos ang populasyon nito. Dahil dito, naimbento ng isang henyo ang isang tableta na iinumin ng mag-asawa upang magkaroon sila ng anak at mailuwal ito sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras, ito’y tinawag na instant baby.


ISANG KARANGALAN ANG GUMAWA NG KABUTIHAN SA MILIMINAS na kung saan ang mabuti ay mas kilala natin bilang masama para sa ating pananaw. Tulad ito ng mga kickback artist, mga mayayamang mapang-api sa mahihirap, mga tiwaling opisyal, mga magnanakaw at marami pang iba. Na sa kabilang dako ay ang sinumang gumagawa ng marangal at mabuti [ayon sa ating pananaw] ay ang siya pang nahihiya at ipinagkukubli ang mga ito.


DUMATING RIN SA KANILA ANG PANAHON na kung saan ang mga kabataang may malawak na pag-iisip ay tumawag ng isang pagpupulong upang iparating ang mga pagbabagong nais silang isagaw. Subalit sila’y pinagtawanan at kinutya. Ngunit ng lumaon, dumarami ang mga dumadalo rito kung kaya’t ipinagbawal ng pamahalaan ng Miliminas ang pagpupulong at tinawag silang mga dungis ng lipunan.Ngunit nakuha ng mga kabataan ang simpatiya ng mga mahihirap kaya nagsiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas.


ISANG PARUSA ANG NAGMULA SA KANILANG DIYOS NA SI SANTASA, isang dakilang pagbaha at paglindol ang kanilang naranasan at ito’y nagdulot sa pagputok ng isa sa mga malalaking bulkan sa kalaliman ng Miliminas na nagdulot ng paglaho ng Miliminas sa sansinukuban.

19 (na) komento:

  1. galing nman .,.. nbabasa ko tlgah XD

    TumugonBurahin
  2. This story makes me laugh because their laws are totally opposite from ours and the terms that used are so funny. And I also like this story because you can really feel that the author only wants to inform us that if we will not make an action to our country it will be like on what happened to the country of Miliminas that their saint which is santasa punished them by destroying their country. I hope that every Filipinos learned something from this story. :)) THAT'S ALL -- ALDRIN <3

    TumugonBurahin
  3. Nakakatawa grabe xD ..

    TumugonBurahin
  4. Amazing! Haha akala ko ngongo yung author haha ✌ Now I know! Great job ��

    TumugonBurahin
  5. ito ay isang sanaysay (essay)!hindi po ito kuwento (story)..

    TumugonBurahin
  6. Ang Galing :) Ang Hirap Pala Ng Buhay Sa Miliminas

    TumugonBurahin
  7. naging Lesson namin to ngayong araw... 06/23/14
    tawa talaga ako ng tawa sa bawat salitang nababasa ko.. share2x kaming lahat (mga kaklase) sa mga nabasa namin.. ang galing ng author...

    TumugonBurahin
  8. Tawang-tawa kami simula pa lang ng story :) Love this

    TumugonBurahin
  9. Napakatalino ng author!!!

    TumugonBurahin
  10. SUPER DUPER nakakatawa tong miliminas..

    TumugonBurahin
  11. Ang talino ng author.. grabe!!!

    TumugonBurahin
  12. hindi nmn ito kabaliktaran....ng ating bansa

    ang nagsulat ay may dalang mensahe pra sa'tin
    ibig sabihin hindi ito kabaliktaran...nangyayari na nga di ba!?~

    TumugonBurahin