NI GRACE JOY MADRONIO
Ang pag-aaral ay maitutulad sa pagtatanim, ang mga guro ang nagsisilbing taga-tanim at ang mga mga mag-aaral ang bungang aanihin sa pagtatanim, ang anihan ay may eksaktong panahon, upang ang mga aanihin ay maging sariwa, hindi Over Ripe at hindi din naman hilaw. Sa proseso naman ng pag-aaral walng ibang hinihintay at hinahangad ang mga guro at magulang kundi ang makita ang mga mag-aaral na nakakapagtapos ng kanilang propesyong pinili.
Bilang isang estudyante, may hihilingin sana ako sa aking kapwa mag-aaral na nawa'y tayo ay maging ubas at di pasas.
Ang ubas ay yaong mga mag-aaral na sariwa pa rin sa kanilang mga isipan ang lahat ng mga itinanim na kaalaman ng mga guro at magulang. Ang pasas ay ang mga mag-aaral na mabilis natuyo ang kanilang mga utak, na para bang sa isang iglap ay nawala ang lahat ng natutunan.
Tayo ay ubas at di pasas. Ubas, dahil sa pagkagat sa atin ng mga kompanya ay may sustansya silang makukuha. Ang sipag ang nagsisilbing tamis, ang pagiging tapat ang siyang katakamtakam na kulay at ang karunungang taglay ang sustansyang tiyak na mapakikinabangan ng ating mapagtatrabahuan. Hindi tayo tulad ng mga pasas na mag-aaral na napapakinabangan nga ngunit di kasing sarap tulad ng matagumpay na mag-aaral.
Sikaping maging ubas wag pasas, upang hindi masayang ang lahat ng pinaghihirap. Matagal na panaho tayong hinintayu upang magbunga, kaya't marapat lang na isang sariwang ubas ang ating ialay sa mga magulang na nagtiyaga at kaytagal na naghintay, upang makita tayong matagumpay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento