NI GRACE JOY MADRONIO
Ang mga pagkain noon una ay purong natural mula sa sangkap hanggang sa pagkakainan. Sariwang-sariwa mula sa taniman. Lahat ng ito ay mula sa Maykapal kaya bukod sa masarap ay siguradong masustansya pa. Ngunit tila nag-iba ang panlasa ng mga nilalang, ang dating mga sariwa mula sa taniman na sangkap ngayo'y sariwa mula sa pabrika na ang hanap. Oo, tiyak nga raw na ang lasa nito'y parang sa sariwa at mas pinsarap pa raw ang lasa, ngunit ang tanong diyan ay sigurado bang masustansya?
Isang araw nang ako'y naglakad-lakad sa loob ng aming subdibisyon, nakuha ang aking pansin ng mga naggagandahang kulay ng mga bulaklak sa labas ng isang marangyang tahanan. Mga ilang ulit ko itong binalik-balikan sa tuwing ako'y namamasyal. Ngunit napansin ko na sa paglipas ng panahon tila hindi nagbabago ang anyo ng bulaklak maliban lang sa pakupas na nitong kulay. Kaya naman pala, peke pala ang bulaklak. Kuhang-kuha nito ang orihinal na hugis at kulay ng totoong halaman ngunit hindi nito napantayan ang bango ng tunay na bulaklak. Ang halaman na ang akala ko'y nakatutulong sa paglinis ng hangin, yun pala'y isang dagdag na basura sa mundong punong-puno ng hinaing.
Saang dako man ako pumaroon, naglipana ang mga gwapo at magaganda sa paligid. Hanga talaga ako sa akala kong angking kagandahan na kanilang taglay, ngunit nagbago ang lahat ng malaman kong artipisyal lang pala ang katawan. Ang akala kong maganda ang katawan ng babae yun pala'y isang ibinago lang na katawan ng lalaki. Ang akala kong gwapong lalaki yun pala'y isang babae naa pilit iniipit ang dibdib. Kuhang-kuha man nila ang katawang gusto nila ngunit di nito mababago ang tunay nilang pagkatao.
Madami ng modernong bagay ang nauuso sa panahon natin ngayon. May mga pekeng hayop na gumagalaw at parang himihinga din tulad ng totoong hayop. Mga artipisyal na puno, artipisyal na lawa at marami pang iba. Gumawa na din ang tao ng mga artipisyal na tao, ang robot. Kumikilos sila na parang sa tao. Maganda at kaaliw-aliw nga silang pagmasdan, ngunit di dapat kaligtaan ang tunay nitong kaanyuan.
Kung dadakot man ako ng alabok at akin 'tong hihipan, lilipad ito at maaaring madumihan lang ako. Pero nang hinipan o hiningahan ng Diyos ang alabok, nagkaroon ito ng buhay, isang taong may pag-iisip, may damdamin at may pangarap na nais abutin. Ano mang pilit nating mga tao hindi mapapantayan ang mga artipisyal nating mga gawa ang natural na likha ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento