May langit di,
sa kabila ng kumukulong tiyan
sa kabila ng isang platong pagkain,
pagkaing sa isang tao lamang sapat,
pinaghahatiaan ng isang pamilyang salat
May langit din,
sa mga kapitalistang
hangad lagi ay salapi
higit sa tatlong besse sa isang araw kung kumain
habang ang maralita ang sa bukid ay nag aani
Pag ahon sa kahirapan ay hindi madali
lalo pa't ang amo ay malupit
subsub sa trabaho, babad sa init
kabayaran sa pagod at hirap
hindi ikaw ang magkakamit
May langit din,
oo, may langit din
kapag ang bawat tao'y kuntento na
rinig ang hinaing ng bawat isa
nirerespeto ang karapatan ng bawat manggagawa
May langit din,
kumayod at wag manlamang
magtulungan at kapwa makinabang
sa pag unlad ng Pilipinas
oo. May Langit din..
kahit lima lang ang saknong mo nagkasya lahat ng pagpapakita ng mukha ng dalawang panig at ng pag-asa.
TumugonBurahinngayon lang ako nakakita ng nasa kanan ang mga saknong. may ibig ba itong sabihin?