Maraming isyu sa ating bayan,
Lalo na sa pisikal na anyo ng ating mamamayan
Labanan ng uri sa pagitan ng matangkad vs. pandak
Itong aking paksa inyong tunghayan
Matangkad ang tipo ng mga Pilipino,
Kapag ito’y iyong taglay titingalain ka ng karamihan
May iba dyan hahangaan ka, marami ang kaiinggitan ka
Dahil sa tangkad pinagpala, ikaw ang magpasya
Model, Basketball Player, Beauty Queen nakahilera!
Sa Pilipinang may katangkaran
Lalaking iibigin mahirap matagpuan,
Lalo sa ating bayan na 5’4 ang pambansang kataasan!
Marahil sa bayan ni Uncle Sam ang iyong kauwian
Makakita ka man sa atin ay iilan lamang
At yung iilan ay siguraduhing tunay na lalaki
Dahil baka pareho kayong pusong babae.
Kaakibat ng tangkad na taglay ang karamdaman
Karamihan sa kanila may scoliosis na pinagdadaanan
Mga buto sa likod tila bumabaluktot
Mahirap gamutin namamana pa
Sa iyong pagtanda ika’y yumuyukod taglay na tangkad biglang naglalaho
Kung ikaw naman ay pandak, tampulan ka ng tukso
Maliit, bansot, dwende ang ilan sa mga ito
Kawawang pandak pati sa trabaho
Dahil sa height requirement ,
Propesyong nais… ayun dehado
Lalaking pandak hirap dumiskarte,
Dahil matangkad ang dream guy ng mga babae
Hirap na nga’ng abutin matataas na bagay
Pati ba naman puso ng babaeng kanyang minamahal?
Marahil iniisip niyong maging pandak ay nakalulungkot
Tindig na kanilang pagmamay-ari, mabuti rin ang dulot
Iba’y mabilis nilang maungusan, dahil sila’y laging nasa unahan.
Madaling makasiksik sa masisikip na looban.
At lalong hindi nauuntog sa mabababang lugar.
Matangkad man o pandak may kalakasan at kahinaan din.
Nagkataong yun ang ibinigay sa’yo,
Marapat na ito’y unawain.
Hindi lahat ng bagay ay positibo ang tugon
Ika nga nila “walang taong perpekto” kaya’t wag mong pilitin sarili mo!
ni: maria katrina l. camposano
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento