Huwebes, Setyembre 29, 2011

Tula ni Pilipinas : Janella Mae Cadiente


Tula’y di sasapat upang ako’y balikan
Tula’y di sasapat upang ako’y pakinggan
Tula’y di sasapat upang ako’y maintindihan
Ngunit tula’y sapat na upang damdami’y gumaan

Hindi ito sapat upang ika’y umuwi
Mayaman sya’t mahalina di kita masisisi
Magulo dito sa akin ito’y aking inaamin
Ngunit asahan mo anak lahat ay gagawin

Hindi ito sapat upang ika’y makinig
Abala ka sa pag-intindi ng sarili’t hilig
Iyan naman ang nais koang ika’y mapabuti
Sana lang anak ako pari’y iyong isipin

Hindi ito sapat upang saki’y mag-alala
Alam kong pangarap mo ang mas inaalala
Hindi ko kayang ibigay ang lahat ng ninanasa
Kaya anak handa ako noong ikaw ay nawala

Di ako aalis di ka man bumalik
Di ako sisigaw si ka man makinig
Di ako titigil di ka man mag-alala
Alam ko kasi balang araw babalik at babalik ka anak




-piso

1 komento:

  1. Napakahusay.

    ang unang taludtod ay nakitaan ko ng emfasis at pagdirrin, tapos yung sa huling linya, yung bottom line ng taludtod.

    Tula’y di sasapat upang ako’y balikan
    Tula’y di sasapat upang ako’y pakinggan
    Tula’y di sasapat upang ako’y maintindihan

    - Emfasis

    Ngunit tula’y sapat na upang damdami’y gumaan
    - Bottom Line

    Maayos rin ang pagamit ng "Hindi Sapat" Epektibo ito sa tula...

    binigyang buhay rin ang tula sa pammgitan ng parang "Pagtawag" para kasi itong elihiya/elegy... (ewan ko lang kung tama nga)

    ... pero siguro mas maganda kung inilagay mo sa titulo kung kanino inaadres ni PILIPINAS ang kanyang tula.


    Jimson Buenaobra
    obra obrero 2011.

    TumugonBurahin