Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Isa Akong Pilipino



Ni: Jessa Faith Togonon

Isa akong Pilipino sa dugo at sa isipan
Ang aking lahi kilala sa katapangan
Kami'y nasakop ng mapang-aping dayuhan
Dugo ang tumangis, paglaban sa kalayaan.
Isa akong Pilipino sa dugo at sa isipan
Lubos kong minamahal lupang sinilangan
Mapaglingkuran bayang nakagisnan
Nang kaunlara'y tuluyang makamtan.

Isa akong Pilipino sa dugo at sa isipan
Ano ang nangyari sa iba nating kababayan
Tila nawala ang kahulugan ng katapangan
Nanaising sa ibang bansa ang mapaglingkuran.

Isa akong Pilipino sa adugo at sa isipan
Nasaan na kayo ba't bansa'y nilisan
Umaapaw ngayon bilang ng kahirapan
Hindi ba't tayo rin ang may kagagawan?

Isa akong Pilino sa dugo at sa isipan
May tungkuling gagampanan sa aking bayan
Sa sariling bansa marapat paglingkuran
Nang ang lahat makamtan ang kaunlaran.

2 komento:

  1. Tila hindi masyadong naipakita ang isyu ng class struggle. May mga typographical error din. Maganda naman ang pili ng mga salita at pagkakasunod ng ideya.

    TumugonBurahin
  2. May typographical error ayun oh (hanapin mo XD )pero maganda parin..napapanahon and feeling ko di malalaos ung ganitong issue

    TumugonBurahin