***Deremof, Deremof!
I.
Quiapo;
Doon mo ako kitain
ng malaman ang kapalaran
Sa pagpinta
ng sinungaling kong
Alas;
Abra Cadabra,
Isa kang malas!
Tumawa ang kura
gamit ang kulay ng
salapi,
Pagmamalupit ang
s’yang palaging naghahari,
mga kurang umaalipusta sa sinumang api!
II.
Aba, Ginoong Gobernadorcillo
Sa pwesto’y puwit mo’y nagiinit
Sikmura nami’y nagngingitngit
Itago man sa dilim
Ang Kadayaa’y mabubulok rin,
Isinuka ng Maynila ang mabuti
mga Maria Clara’y
sa kweba kinubli;
binaliw ang mga gutom,
Ninaknak ang sugat ng mga Tarsillo
Hinele yaong Sisa
ng latigong
kumawala at
Humalik sa kanilang balat--
sumirit ang
Dugo
At sa laman ay humiwa.
“…Magpalakpakan ang mga Indio!
Ani ng kura-paroko,
… wala na kayong isasaing,
Uno,dos, tres
Kayo’y aming gugutumin…”
Sa kadayan
ang katotohana’y sinakmal
ng Gobierno
sais,siete,otcho –
Walang laman ang kaldero
kaming mga abusong
kumatawan kay Crispin at Basilio
III.
Deremof, Deremof!
Dumating ang pagbabago
naging papet ng Amerikano
at Pilipino’y nagpaloko;
pero mas mabuti na’to
kaysa tawaging Indio o ma-excomulgado
mabuti nga’y may natutunan
sa A is to apple;
B is to boy;
wala nang panaghoy.
Deremof,Deremof!
Ang meron naman ngayo’y
C is to corrupt
M is to mahirap.
*** binanggit ni Ginoong Leeds sa El filibusterismo para lumabas ang mahiwagang si Imuthis, anagram ng salitang ingles na “Freedom”.
husay mo tlga master
TumugonBurahin