Linggo, Setyembre 11, 2011

PROBINSYANO at MANILENYO ni Grace Joy Madronio




Probinsyano ngang maituturing,
Kasipagan nama'y walang sing galing.
Manilenyo nga kung tawagin,
Sa tambayan naman mapapansin.
Kanino ka bibilib ?

Manilenyo sa ingles  bigkas ay tama,
Ngunit sa ayos ng salita tila walang tumugma.
Probinsyano kung magingles katawa-tawa,
Sa ayos naman ng salita ika'y mamamangha.
Sinong mas tama?

Probinsyana'y manamit agad mahahalata,
Sa kulay nito't haba tiyak probinsyana nga.
Manilenya kung magsuot parang taga abroad,
Sa tipid ng tela tila na walang saplot.
Sinong mas maganda sa paningin ?

Batang manilenyo ngayo'y sakitin at di na bibo,
Sa mga laro nilang puro upo at walang sawang pindot.
Malusog at bibong bata sa probinsya makikita,
Sa mga laro nilang tagaktak pawis at pagkaing bunga ng pagtitiis.
Kanino ka ngayon papanig ?

Tulang ito'y may nais ipabatid,
Mga probinsyanang tulad ko'y may ibubuga din.
Hindi lang bilang katulong na sayo'y nagsisilbi,
Kundi isa ding disenteng pilipinong maigagalang din.
Nawa'y inyong nabatid nais kong iparating.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento