" Magandang tao! " bungad ng guro.
" Magandang tao din po kami! " tugon ng klase.
Sa loob ng apat na sulok ng silid aralan ay may dalawang bintilador, apat na ilaw at mahigit apatnapung upuan na pawang nagsisiksikan. May isang lamesa para sa maestra at dalawang uri ng pisara na halatang napaglumaan na. Sa kanlurang bahagi ng PUP main building, ika-apat na palapag, silid 407, sa ganap na alauna y medya ng hapon, masasaksihan ang tunggalian ng matalino at matrunong sa aming klase.
Ang aming propesor na itatago natin sa pangalang " Gng.Ogapi ". Sa mabait at malambing niyang tinig mahahalata mo agad na isa siyang propesyonal na indibidwal. Ang propesor na ito ay may natatanging kakayanan na ilabas ang mga nakatagong galing ng kanyang mga mag-aaral. Sa unti-unting paglabas nito, kapansin-pansin ang labanan ng mga matatalino at ng marurunong. Sa bawat tanong na ibinabato ni Gng. Ogapi, may sari-sariling paraan sa pagsalo ang dalawang magkatunggali. Sa ganitong pangyayari ng labanan umiikot ang oras ng aming klase.
Ang tunggalian ng mga matatalino't marurunong ay naguumpisa sa mga kakaibang pang pagising utak na tanong ng propesor. Panggising utak, di dahil sa nahihirapan kami sa kanyang tanong, kundi dahil alam namin ang sagot ngunit di namin kayang panindigan at kung di naman ay hindi namin maalala ang sagot, na tiyak namang napag-aralan na. Ang sagot ng mga matatalino ay madalas tumpak, ngunit kung minsan ay nagkakamali ng pagkakapaliwanag o hindi malinaw ang idea na nais ipabatid. Pag napansin ng marunong na tama ngunit kulang sa pagpapaliwanag ang sagot ng matalino, agad itong titira at maayos na maipapaliwanag ang tamang sagot. Dahil sa malinaw nitong paghahayag, marami ang sasangayon at maging ang guro ay pagtitibayin ito. Ngunit kung iisipin, halos parehas lang naman ang sagot ng dalawa.
Sunod kong napatunayan ang labanan ng matalino't marunong ay sa tuwing nagbibigay ng idea si Gng. Ogapi. Sa iba-ibang ideang binibigay, magkakaiba din ang paraan ng pagkakaunawa ng dalawang magkalaban. Agad na magbibigay ng opinyon o kuro-kuro ang marunong. Sa paraan nang kanyang pagsasalita tulad nung una ay mapapabilib ka, pero mapapansin mo din kalaunan na dinadaan ka lang niya sa palabok ng mga salita. Inaanalisa ng matalino ang ideang ibinigay sa kanila. Kaya pag nagbigay siya ng pagpapaliwanag ukol dito, nailalabas niya ang tamang paliwanag na tutugma sa ideang binigay ng guro. Sa ganitong paraan nakakabawi ang matatalino.
Ang tunggalian ng dalawa ay natatapos sa tuwing may bagong aralin na ihahain si Gng. Ogapi. Ito ay ang mga bagong kaalamang hindi pa namin alam at bago lang sa aming pandinig. Sa oras na ang propesor na ang bumida sa harapan, tatahimik na ang lahat at ang mga pandinig ay sa kanya na nakabaling. Ang labanan ng dalawa ay dito na nga tinutuldukan, dahil sa bawat pangungusap na binibigkas ni Gng.Ogapi ay unti-unti naming napapatunayan na salat pa pala kami sa katalinuhan at hindi pa pala kami marurunong. Sa bawat leksyon ng guro ipinararamdam niya na meron kaming angking galing na dapat mailabas at silang mga guro ay nagiging instrumento upang matutunan namin ang mga bagay na dapat naming matutunan. Hindi ito magiging matagumpay kung hindi din namin tutulungan ang aming mga sarili.
Ang matalino at marunong ay tila walang pagkakaiba, dahil kahit kailan hindi magiging sapat na marunong ka lang dapat ay may katalinuhan ka ring taglay. Hindi din sapat ang matalino kung hindi ka marunong ipahayag ang kaalamang taglay mo. Ito ang Retorika ang kursong kinukuha ko tuwing lunes at huwebes sa ganap na alauna y medya ng hapon.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinang ganda ng pambungad mo at ng wakas. tama ka, kayang himayin ng guro ang sagot at motibo natin. wala tayong maitatago sa kanya.
TumugonBurahinang ganda ng konsepto mo. napili mo ang mismong klase natin. pangalawa 'to sa sanaysay na nagkainteres akong basahin.
tama si judcee ang ganda ng konsepto ..
TumugonBurahinnaisaysay mo ng maayos yung pangyayari sa loob ng ating klase ..
may ilan kang typo error at yung iba naman ay walang tamang bantas ..
maganda na..may tema ay ayos ang kwento..medyo palawakin pa ng konti, at ang isang sikreto ng isang magandang kwento ay ang paglalarawan mo sa bawat karakter,bagay o pangyayari tulad ng ginawa mo sa umpisa.. maganda rin sana kung inilarawan mo rin kung anu ang iyong guro.. sa paraang kasing yon mapag-iisip mo ang iyong mambabasa..
TumugonBurahinhal..
sa mabilbil nyang katawan at nagmamantika nyang balat mababanaag mo ang kabutihan sa kanyang pagkatao..
-hindi ko sinabi na mataba sya pero nalaman mo na mataba sya..gets?
...pero lahat ng iyang ay base lamang sa kung anu ang mga nalaman ko.. ikaw ng bahala kung paniniwalaan mo..
paunawa: ang iyong mga nabasa ay pawang kasinungalingan lamang...hahahaha
..mahusay ang pagkakagamit ng mga salita , napahayag ng my akda ang nais nyang ipahayag . sang-ayon ako na hindi sapat na marunong ko lang at hindi rin sapat na matalino ka nga ngunit hindi mo naman mapanindigan .. my ilang wrong spelling lang akong napuna .. pero sa kabuuan mahusay.. :))
TumugonBurahinmay ilang mga typo, lubhang nakakaapekto kapag ganito ang senaryo, hindi matunton kung ano ang layunin ng manunulat kung bakit ito ang kanyang ginawa, dahil ba sa pagnanais na magpahatid ng papuri? o ginamit ang mga salita dahil sa eupimismo? ganoon man, mahusay ang pagkakagamit ng mga salita, ang ugnayan ng mga salita...
TumugonBurahin