Selyadong mga bibig,
tinakot ng tampalasan
ang tupang nagmamakaawa,
pilit isinisiwalat ang hinaing sa dibdib.
Ginapos ang karapatan ng walang sala
ng maperang ipokrita
at pinalaya sa kuralan
ang mga maruruming baboy.
Dininig ng mahistrado
ang bulong ng suhol,
tinuligsa ang batas,
ipinagkalulong ang mga anak
ng inahin at
ikinubli sa selda ang mga kuting.
Ibinuka ng buwaya ang kanyang bibig
na puno ng pangil at
walang pakundangang sinakmal
ang kaban ng bayan at
inangkin ang sangkalupaan
na pinaghirapan ng mga mamamayan.
Muli,
Umupo sa kapangyarihan
ang sugapang tampalasan,
"Nalalapit na ang paghuhukom!
ang hindi susunod ay ipakukulong,
walang espada't kalasag ang
sainyo'y magliligtas!
Ako ang siyang paglilingkuran,
sasambahin at susundin o!
harapin ninyo ang kawit ng
KAMATAYAN!"
Ang galing ng tulang ito. Lutang na lutang ang isyu sa class struggle. Mahusay ang pagpili ng mga salita gayundin ang mga tayutay na ginamit. Nakabibilib!
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinmay dating kahit marami na akong nabasang tula na ganyan ang paksa. may sipa din yung pagiging kulay pula ng 'font'. ngayon lang ako nakakita na inihalintulad sa baboy ang mga gahaman.
TumugonBurahinsiguro mas maganda kung iayos mo yung naunang dalawang linya ng ikalawang saknong:
"ginapo ng maperang impokrita
ang karapatan ng walang sala ... "
sa kabuuan maganda.