Tadhana at Panahon
ni Kathlyn Sauro
Tadhana sati'y nagtagpo
Panahon ang naglayo
Nagtagpo sa mga pusong uhaw
Naglayo sa mga pusong sugatan
Tadhana ang namagitan
Panahon ang nagdesisyon
Namagitan sa ating dalawa
Nagdesisyon na ang isa't isa'y kalimutan na
Tadhana rin ba ang dahilan,
sa huwad na pagmamahalan?
Panahon ba ang solusyon,
upang ika'y limutin na ngayon?
Kung ang tanging paraan ay limutin ka,
upang ang nakaraa'y huwag nang maalala.
Hindi na hahayaang manumbalik ang sakit,
at muling manariwa sa puso't isip.
Tadhana, aking mahal ako'y magpapaalam
upang hapdi ay tuluyan nang maibsan.
Panahon, aking mahal ang magpapahilom
sa labis na sakit dulot ng kahapon.
Kung tadhana ang muling magtatakda sa ating pagkikita,
at panahon ang makapagpapabago ng bukas,
tanging hiling ko sa Poon,
Ibigay sa atin ang tamang tadhana at panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento