Hindi ko naman sinasabing sila lang ang may karapatang magsalita ng wikang Inggles, ang sa akin lang naman eh, yung tipo bang nasa kalsada lamang sila tapos sila-sila lang din ang nag-uusap eh gumagamit pa sila ng sobrang lalim na wikang banyaga, sabay tingin sa'yo at biglang humahagulgol ng tawa, pang-asar ano? ako ba yung pinag-uusapan? pakiramdam ko tuloy puno ng kayabangan ang pag-uusap nila, pakiramdam ko lang naman kasi 'di ko naman sila naiintindihan eh.
Kaya palaging nabubuo sa isipan ko ang tanong na " Bakit kapag nag-iinggles ang isang tao, laging ang konotasyon agad sa isipan ng mga nakikinig ay MATALINO O MAYAMAN? " , kapag naman sariling wika ang ginagamit madalas nakukutya at hindi raw kayang makipagsabayan sa kanila.
Mayroon naman antas ang wika natin, maituturing nga na pinakamataas ang mga ginagamit ng mga dalubhasa na sa Wikang Filipino, sa kasamaang palad, dala narin ng nakaugalian na mas madalas mapuna ang ginagawang masama kaysa sa ginagawang mabuti kung kaya't ang napupuna ng mga mang-aapi ay ang wikang ginagamit ng mga taong hindi nakapag-aral o balbal, pangit daw kasing pakinggan masyadong pang -" uneducated person ", sabi nga ng iba diyan, astig kapag inggles, elegante, pang-maarte at hindi pang-iskwater.
Nakaiinis isipin na wala kaming magawa, hindi namin maiba ang pagtingin nila sa mga tao, eh ano pa nga bang magagawa ako? isa lamang akong hamak na dukha at ano bang laban ko sa mga edukadong mayayaman na kumokontrol sa malalaking kompanya sa buong Pilipinas, siguro maghihintay na lang akong may sumagip pa sa paling na pagtingin ng mga nangaapi sa inaapi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento