Huwebes, Setyembre 29, 2011

KABIT NG AKING ASAWA (Tula) ni Jerold Noble Dramayo




Pagmamahal niya’y tila lason sa isang pamilya
Sumisira sa tahimik at maganda nitong pagsasama
Kanyang pag-ibig na kahit i-alay pa ng sapat
Mananatiling ang relasyon ng isang kabit, sa lipunan ay hindi nararapat.


Hindi madali ang buhay ng isang responsableng asawa
Kumakayod, para sa pamilya, kahit pa magkandakuba-kuba
Umaasikaso sa asawa, at mga anak na pumapasok sa eskwela
Kinalilimutan ang sarili, upang mapunan ang obligasyon niya.


Ang pag-ibig daw ng isang kabit ay totoo at walang pinipili
Kaya’t kahit na ang tao’y may pamilya, siguradong hindi na nag-aatubili
Mas higit pa daw siya, kumpara sa tunay na asawa
Dahil siya daw ang pumupuno sa pusong nawawalan ng pag-asa.


Ang pag-ibig ng isang asawa ay walang makapapantay
Ni walang makahihigit sa pag-aalaga at pagmamahal nitong tunay
Pagmamahal sa asawa’t mga anak ay higit pa sa sarili
Isinasakripisyo ang lahat upang ang pamilya ay nasa mabuti.


Ang pag-ibig ng kabit ay parang isang bawal na bagay sa mundo
Na akala mo sa una’y tama, ngunit sa huli’y mapagtatanto
Pag-ibig na hindi nararapat ngunit punong-puno ng tukso
Lumalason sa isipan ng isang may pamilyang tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento