Kung mayaman ka, meron kang "allergy"
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"
Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress"
Sa mahirap, "sira ang ulo"
Kung mayaman ka, "pneumonia" daw ang sakit mo
Kung mahirap, "TB" yon
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"
Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress"
Sa mahirap, "sira ang ulo"
Kung mayaman ka, "pneumonia" daw ang sakit mo
Kung mahirap, "TB" yon
Sa mayaman, "hyperacidity"
Kapag mahirap, "ulcer" dahil walang laman ang tiyan
Sa mayamang "malikot ang kamay", ang tawag ay "kleptomaniac"
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"
Pag mayaman ka, you're "eccentric"
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad"
Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine"
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"
Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic"
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"
Kung ang senyorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "sun tanned"
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga"
Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite"
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot"
Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump"
Kapag mahirap ka, ika'y "tabatsoy" o "lumba-lumba" ...pag minamalas ka pa, "baboy"
Kapag mayaman, "fasting" ang hindi kumain
Kung mahirap, "nagtitiis"
Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay
"socialite"
Kung mahirap ka, ikaw ay "pakawala" o "pok-pok"
Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay "liberated"
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo "malandi"
Kapag mayaman, "misguided" o "spoiled" ka
Kung mahirap ka, "addict" o "durugista"
Kung may pera ka, ang tawag sa iyo "single parent"
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo "disgrasyada"
Kapag mayaman at sexy, "fashionable" daw
Kung mahirap, sigurado "GRO" ka
Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, "vegetarian"
Habang kakaawa ang mahirap na " kumakain ng damo."
Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay "bastos!"
Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood"
Ang mga mahihirap ay "gumugurang"
Ang anak ng mayaman ay "slow learner"
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gung-gong"
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says, "masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom"
Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo "expat"
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "contract worker"
Kung boss ka at binabasa mo ito sa office mo, "okay lang"
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay" nagbubulakbol" ...
NAKALAP NI JESSA FAITH TOGONON
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento