Biyernes, Setyembre 30, 2011

TOURIST ATTRACTION ni Eardon Jan V. Reyes

Sa pagitan ng letra,
 may e s p a s y o;
Sa pagitan ng iringan
ng mga tao,
 nalikha ang Diskriminasyon.


Nagwangis si Inay nang
 magkaroon ng demolisyon,


'Di makapaniwala si Ama
 noong si Juan ang s'yang nanguna sa aksyon,


Hindi na nagulat si Lolo kasi,
 tapos na raw ang Eleksyon,


Nahimatay si Ate! nang,
 makita n'yang paparating na ang mag-leleksyon,


Nagwala si Kuya! nang,
 sinisira ng kapulisan ang " Tourist Attraction"!


Ipaglaban!!
 Tinuligsa namin ang nagpakilalang
 Panginoong may lupa,


Ipaglalaban!!
 Hinarang namin ang mga
 armadong sumusubok tumangay
 ng aming mga mahal sa buhay,


Lumaban!!
 Dumanak ang dugo! Nanlabo ang paningin ko,
 tila ako'y mabibigo sa sandaling bitawan ko
 ang aking kutsilyo.


  Asan na ba ako?
   Nasa impyerno na ba ako?

1 komento:

  1. Ang mga napuna ko ay una ang pagkakayaos mga taludtod, iba-iba ang bilang ng linya... mas maganda sana kung uniform. Pangalawa, ang salitang tourist attraction, di ba kapag naka-italicize na ay hindi na kailangan lagyan pa ng panipi? Pangatlo, bakit naka-italicize ang salitang dugo gayong hindi naman ito wikang banyaga? pero sa tingin ko'y typographical error lang 'yan, tama ba?

    Sa kabuuan, maganda ang iyong tula. Nakita ko ang isyu ng class struggle. Mahusay ka!

    TumugonBurahin