Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Kahirapan


ni: Jessa Faith C. Togonon

Kahirapan sa bansa'y nakapanlulumo na
Mga batang umiiyak at sa lansanga'y namulat na
Pakikipagsapalaran sa kalye upang mamalimos
Isang paraan upang mabuhay at huminga pa.

Kahirapan sa bansa'y nakaaalarma na
Walang hapas na kaguluhan at krimen kung saan
Ginagawa ang lahat, may panlamang sikmura lamang
Kahit manlamang ng kapwa ay wala na sa kanila.

Kahirapan sa bansa'y nakagagalit na
Mga taong nasa itaas ano kaya ang ginagawa
Mamamayang Pilipinong uhaw sa kaginhawaan
Habang sila'y lumalangoy sa perang nakamkam.

Kahirapan sa bansa, matatapos pa ba?
Kumakalam na sikmura'y dadami pa ba?
Iyak ng sanggol ng dahil sa kagutuman
Kailan matitigil kahirapan nating taglay.

2 komento:

  1. dapat ung title ehh kakaiba kasi title palang alam na agad ung nilalaman....dapat may konting twist sa title para kakaiba...may typographical error nanaman (iwas iwas text din kasi XD).....pero napakaganda ng nilalaman habang binabasa ko to ramdam na ramdam ko ung paghihirap ng bansa nice one faith!

    TumugonBurahin
  2. PAlasaK n un pamagat,...
    wlang dating..

    TumugonBurahin