Lunes, Setyembre 26, 2011

Alamat ng meyk-ap … at kung papaano nabuo ang diskriminasyon (Talumpati)












Alamat ng meyk-ap
… at kung papaano nabuo ang diskriminasyon(Talumpati)

Ni Jimson O. Buenaobra

You with the sad eyes
Don't be discouraged oh, I realize
It's hard to take courage
In a world full of people
You can lose sight of it all
The darkness inside you

Makes you feel so small
But I see your true colors
Shining through
I see your true colors and that's
Why I love You
So don't be afraid to let them show
Your true colors
True colors are beautiful, like a
Rainbow

- True Colors ng M.Y.M.P
sinipi mula sa :www.lyricsmode.com/lyrics/m/mymp/#share







Sinasabi ng siyensya, liwanag ang nagpapakita sa atin ng lahat ng bagay sa mundo, dahil sa liwanag, nabibigyan ng kulay ang mga bagay na syang nakikita ng ating mga mata, pero  ang lahat ng ito ay nagwawakas ng dahil sa diskriminasyon at pandurusta.

Hindi ko pwedeng ikaila na hindi ko nakilala ang mga pamosong kwentong pambata na akin o ating nabasa mula nang maging bata tayo, posibleng kilala mo rin tulad ko ang mga sikat na karakter sa Cinderella, Sleeping Beauty, Pocahontas, at ang Beauty and The Beast, kalakip ng mga kwentong ito ang tunggalian ng masama at mabuti, ang umiibabaw na hugpungan ng maganda sa pangit, kaya kahit na may nakabinbin na aral dito ay hindi natin mapigilan na masilaw na nakakabulag na liwanag ng panghuhusga sa kapwa.

Naranasan ko na ang maapi, at mapagtripan ng mga walang magawang “ubod ng ganda/gwapong” mga nilalang dito sa lupa mula ng makilala ko ang eskwelahan, hindi ko maatim ang nakapanlulumo nilang pandurusta sa akin, wala naman akong paki-alam basta iisa lang ang pinanghahawakan ko, na ang katawan ay paglalamayan, ngunit ang kabutihan ng loob ay sumasariwa hanggang  sa araw na pagtirikan ako ng kandila.

Ang konting pagbahagi ko sa sarili kong karanasan ay syang pagsisimula ng ginawa kong titulo… “ Ang alamat ng meyk –ap at kung papaano nabuo ang diskriminasyon” nais ko lamang na ipabatid kung ano ang pakiramdam ng taong naapi sa pamamagitan ng silaw ng liwanag at kulay ng mga kolorete gamit ang bintana ng kaluluwa… ang mata.

Ayon sa Wikipedia, ganito ang depinisyon ng diskriminasyon:

“To treat one particular group of people less favorably than others because of their race, color, nationality, or ethnic or national origin.”

Sa pitong milyong taong nagsisisiksikan sa makulay na daigdig na may ibat-ibang hitsura at anyo, isa ang make- up sa pwede kong ihambing o sasabihin kong “alamat”, hindi lingid sa mga gumagamit nito, partikular sa mga babae, na ang madalas maubos o magamit na kulay ay ayon sa kanilang nais gamitin o  ilagay sa kanilang mga mukha at matutukoy ko itong simpleng diskriminasyon kung bibigyan ko nang malalim at ma-emosyong pakahulugan ang nasabing halimbawa, mas pabor kasi sya sa paboritong kulay kesa sa iba.

Hindi na ako lalayo pa at madalas naman nating Makita araw-araw ang diskriminasyon sa lipunan, minsan nga media pa ang kakikitaan nito lalo na sa mga palabas na ikinakabit sa mga persona ng tao para lang mang api, nariyan ang “Bakekang”, “Ulikba”, “Nita Negrita” at “Kirara” na nasaksihan ng mga mata ng mga manunuod sa telibisyon,  

Wala na atang latak na natira sa pangaral na itinuturo sa atin ng kasabihang “ … Tanggalin mo muna ang uling sa mukha mo bago mo tignan ang uling sa mukha ng kaharap mo…” o baka naman napalitan ito ng “… Kung hindi maisasalba ng make-up ang kapangitan mo, magpa retoke ka na kay Belo…” ** Nakakalungkot isipin na sarili nating lahi ang naghuhugpungan ng dahil sa anyong panlabas lamang, wala na rin akong magawa dahil naging biktima rin ako ng panghuhusga sa lipunan, kaya naman ang ibang hindi nakayanan, natatagpuan nalang na nakalambitin sa lubid, malamig na at duguan.


Pero sa lahat ng fairytale na nabasa ko, kahit pangit pa sila, wala na nga raw mas gaganda sa kabutihan ng loob, dahil ang katawan ay magiging abo rin katulad ng sinabi sa bibliya at ang mga taong mapang-api sa kapwa nila ay mapaparusahan, at kahit sa anong istorya o alamat, ang api ay hindi lagging api, darating rin ang liwanag na dadampi sa kanilang balat, at magtatagumpay sa mga hamon ng buhay.


** Sariling likha ng awtor

2 komento:

  1. Idol, magaling tong "Alamat ng meyk-ap
    … at kung papaano nabuo ang diskriminasyon"

    ang pagtalakay sa kagandahan, at ang pagkilala natin sa kapangitan! kung iisipin nga mukhang nag-ugat ang diskriminasyon bunga ng pagdakila natin sa kagandahan...
    ah, puro kasi sa pisikal na anyo tumitingin ang taong bulag sa panloob na kagandahan,
    nabasa ko ang "Impeng negro" kamakailan lang, isa itong pagtalakay sa diskriminasyon dahil sa kapangitan o lubhang kaitiman ng pangunahing tauhan... kung susuriin yun, isang anak ng sundalong kano ang tauhang olikba, at maiisip mo -mula sa amerikano ang pagkaklikha nating mga pilipino sa "diskriminasyon".
    noong panahon ng hapon, maria klarang postura ng mga kababaihan... pero nang dumating ang amerikano, Naging maria magdalena na... nauso ang two piece, ang model, ang make-up, ang prostitue,ang konsepto ng kagandahang panlabas ,... ay nakakarelate naman kami sa inyong mga gawa dito! Puro pagpapkita ng konseptong Filipinong Lipunan, Filipinong Kultura, Filipinong Pag-iisip!

    Astig to, Idol! Ang galing niyo!

    TumugonBurahin