Huwebes, Setyembre 29, 2011

TEXT
BY : CHRISTELLE JOY MALIJAN

Ang lahat s atin ay nagsimula sa text
Nung una’y kwentuan lang tungkol sa ating mga ex
Hindi ko naisip na ikaw na pala ang aking next
At ngayo’y patuloy sa pagiging boyfriend kong d’best

Kung dati’y nagkaka-ilangan
Ngayo’y ating nalaman na isa’t isa pala’y kailangan
Isa’t isa’y inaalagaan,
At relasyong puno ng pagmamahalan

Mga away na di na dapat pahabain
Mga dumating na problema’y di dapat balewalain
Dahil ating relasyon ay kailangan pagtibayin
At pagharap sa habangbuhay sabay nating tatahakin

Sa pagdaan ng panahon
Pag-ibig lalong bumabaon
Mga pagsubok ay haharapin ng mahinahon
Nang sa gayo’y mapanatili ang masayang relasyon

Pag-ibig na ngayon lang naramdaman
Kalian ma’y hindi pababayaan
Lalaking nagbibigay sa akin ng kasiyahan
Ika’y aking ipaglalaban
At kalian ma’y hinding-hindi iiwanan.

1 komento: