Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Langit at Lupa


Ni: Jessa Faith Togonon

Kasinggganda ng mga bituing nasa langit
Kumikislap sa tuwing ika'y nakikita
Mga matang nangungusap
Nagpahulog ng tuluyan sa pusong humahanga.

Boses mong tila laging umaawit
Isang musika sa aking pandinig
Kahit ilang oras papakingga'y hindi magsasawa
Nagpahulog ng tuluyan sa pusong humahanga.

Sa di kalayuan ako'y nakamasid
Kagandahan mong taglayna walang katulad
Nararamdaman ang kaba sa aking dibdib
Nagpahulog ngtuluyan sa pusong humahanga.

Ngunit anong mapapala ng pusong humahanga
Gayong ako'y nalulula sa ating agwat
Ika'y langit at ako'y lupa
Isang hamak na kapus-palad at may pusong humahanga.

Kapalaran nati'y sadyang kay saklap
Paghanga ko sayo'y tila pag-ibig na nga
Kahirapan kong taglay iyo bang matatanggap?
Sa panahong ako'y magtapat sa puso mo sinta.

1 komento:

  1. out of my league ang tema? uhm ung title medjo gamit na di nakakapukaw ng atensyon pero ung nilalaman maganda :D

    TumugonBurahin