Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Gulong ng Buhay

Ni: Jessa Faith Togonon
Sa sikat ng araw sila'y nakababad
Pagkayod ang puhunan ng buhay mairaos
Sapat na ang bungang-kahoy panlaman tiyan
"Diyos kong mahabagin", sambit ng magsasaka.

Sa lamig ng aircon sila'y nakababad
Edukasyon ang puhunan ng buhay mairaos
"Let's talk and have some coffee" pampalipas oras lang
"Thanks to you God", laging sambit pag busog ang pitaka.

Sapat na ang karanasan upang matuto
Matutong magtrabaho kahit sa murang edad pa
Hawak ang diploma at ngiting kay tamis
Tamis na nagiging pait sa tuwing siya'y magigising.

O buhay na kay sadlak ba't ganito ang kinahahantungan
Mga pangarap na agad namang nahaharangan
Sa mundong ibabaw ika'y makikipagsapalaran
Gulong ng buhay, maaring sa ibaba o itaas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento