Sabado, Oktubre 8, 2011

Ikaw sana Ako, Ako sana Ikaw

Ikaw ang laging pinakikinggan
Ako’y laging tinatalikuran
Ikaw ang may ginagawa
Ako eto tunganga
Ikaw ang nagreresolba
Ako ang problema
Sana ako na lang ikaw..

Ako ang nagsasalita
Ika’y walang ginagawa
Ako ang napapagod
Ika’y nagpapakasasa
Ako ang taga-ayos
Ika’y wala sa ayos
Sana ako na lang ikaw..

Gusto ko maging ikaw
Sana ako na lang ikaw
Gusto ko gawin ang ginagawa mo
Gusto ko ng tiwala ng ibang tao
Gusto ko maging kasagutan
Hindi ang katanungan
Gusto ko aging ikaw
Sana ako na lang ikaw..

Sana ako na lang ikaw
Gusto ko maging ikaw
Sana ako’y walang ginagawa
Gusto ko lang tumunganga
Sana ako’y nakikinig lang
Hindi ang tagapagsalita
Sana ako’y nakakampante
Hindi irritable
Sana ako na lang ikaw
Gusto ko maging ikaw..

Pinagpalit na lang sana ng hindi magulo
Ako ay naging Ikaw, at Ikaw ay naging Ako
Ngunit wala ng magagawa, Ikaw ay Ikaw..
 Ako ay Ako..
Pilitin ko man maging ikaw, Ikaw pa rin yan,
Ako pa rin ito..
Sana ika’y makuntento
Makukuntento na lang din ako.

ni: maria katrina camposano

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento